Guidelines sa indemnification fund wala pa

Hindi pa natatapos ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang guidelines para sa paggamit ng indemnification fund na sasagot sa pagpapagamot ng mga taong nakaranas ng masamang epekto ng COVID-19 vaccines.


Tax incentives para sa COVID bakuna donors hinirit

Naghain ng panukala si Anakalusugan Rep. Michael Defensor upang mabigyan ng tax incentives ang mga kompanya at indibidwal na bibili ng COVID-19 vaccines para sa mga guro at estudyante sa pampublikong paaralan.


Lacson kay Panelo: Mag-isip ka naman

Nagpaulan ng tanong si Senador Ping Lacson kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos hamunin ng huli ang nauna na magbigay ng solusyon sa kakapusan ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.


‘Lokal na ospital bigyan din ng AstraZeneca’

Nanawagan si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kina Vaccine czar Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque III na padalhan din ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang mga ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan at mga pribadong ospital na tumatanggap ng mga nahawa ng coronavirus.


Huwag kalimutan mga PUV driver sa vaccine rollout – Poe

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa gobyerno na tiyaking hindi makakalimutan ang mga driver ng public utility vehicle (PUV) at mga manggagawa ng transport sector sa vaccination ng program ng pamahalaan laban sa coronavirus disease.