Pasay lockdown ipinaubaya sa IATF

Bahala na ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na magdesisyon kung ibabalik ang Pasay City sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus, ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano.


COVID-19 rollout info campaign kulang – Go

Para mapalakas ang tiwala ng tao sa COVID-19 vaccine, kailangang magkaroon ng komprehensibong information campaign program at magboluntaryo ang mga opisyal ng gobyerno na magpabakuna sa harap ng publiko.


33 barangay sa Pasay ini-lockdown

Naka-lockdown ng 14 araw ang 33 barangay at ilang establisyimento sa Pasay City matapos ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nakalipas na mga buwan.


Allergy experts pabor sa Covid turukan

Tiniyak ng Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology (PSAAI) sa madla na ang mga benepisyong makukuha sa mga bakuna kontra COVID-19 ay “labis na nakahihigit” sa posibleng panganib na dulot ng adverse reactions nito, pati na rin sa peligro na makaranas ng malubhang coronavirus o pagkamatay.


UK variant case na taga-Cebu, natunton sa QC

Ang 35-anyos na residente ng Liloan, Cebu na nagpositibo sa B.1.1.7 variant ng coronavirus ay naka-quarantine pala sa isang apartment sa Riverside, Barangay Commonwealth sa Quezon City kasama ang isang indibidwal.


Pagbakuna kontra COVID kada taon aprub sa DOH

Sang-ayon ang Department of Health (DOH) na posibleng may pangangailangan na bakunahan ang mga tao laban sa coronavirus taon-taon o sa mas mahabang agwat dahil sa mutating ng virus.