SC hinihingan ng paglilinaw sa isyu ng Con-ass

Pormal nang idinulog ng isang abugado sa Korte Suprema ang isyu ng pag-amyenda sa Konstitusyon sa harap na rin ng magkakaibang interpretasyon kaugnay ng pagtipon ng Kongreso bilang Constituent Assembly.


Con-ass resolution ng Kamara nasa Senado na

Natanggap na ng Senado ang resolusyong inaprubahan ng Kamara kung saan ipinabubuo ang dalawang kapulungan bilang constituent assembly (Con-ass) para mag-amyenda sa umiiral na 1987 Konstitusyon.


Kamara, palaban sa Senado sa Cha-cha

Hindi magpapatinag ang Kamara sa bantang boycot ng mga senador sa Constituent Assembly (Con-Ass) para sa panukalang amiyenda sa 1987 Constitution.


ABANTE FARINAS CHACHA CONASS KAMARA

Walang railraoading sa Con-Ass – Fariñas

Ayon kay Fariñas, ang pag-adopt sa nasabing resolusyon ay produkto ng demokratiko at mahabang debate taliwas sa paratang ng Makabayan bloc at iba pang kritiko na minadali ang proseso.


Senador na dadalo sa Con-Ass session na Kamara, patatalsikin

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mungkahi nya ito matapos na magkasundo ng lahat ng mga senador na kanilang tututulan ang “joint voting” o magkasanib na botohan ng Senado at Kamara sa Cha-cha sakaling isalin ang dalawang kapulungan bilang constituent assembly (con-ass).


Con-Ass tuloy sa Kamara kahit walang senador – Alvarez

Bagama’t iginagalang ni Speaker Pantaleon Alvarez ang desisyon ng mga senador sa separate voting, pinaninindigan din nito ang paniniwala na dapat joint voting at joint deliberation ang umiral sa Charter Change (Cha-Cha).


ABANTE Chief Justice Reynato Puno con con

Hindi dapat isyu ang gastos sa Cha-Cha via Con-Con – Puno

Kinontra ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ang mga naggigiit na idaan ang Charter Change (Cha-Cha) sa Kongreso bilang Constituent Assembly (Con-Ass) dahil mas matipid kaysa sa Constitutional Convention (Con-Con) kung saan sinasabing bilyong piso ang kakailanganin.


risa-hontiveros

Hontiveros mas pabor sa Con-Con kaysa Con-Ass

“Kaya po ay mariin ang aking pagtutol sa paraan ng pag-amyenda ng Saligang Batas na Con-Ass o Constituent Assembly. This is a position my party Akbayan has taken even before, when previous Presidents have attempted to change the Constitution via this route. Hindi po maaaring mga politiko na makikinabang sa Charter Change ang uupo bilang delegado,” ani Hontiveros.