SC ruling binalewala ng Meralco, ‘sweetheart deal’ tuloy pa rin – Zarate

Ipinahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na bagama’t ipinawalang-bisa na ng Supreme Court (SC) ang naunang power supply agreement (PSA) ay ipinagpapatuloy pa rin ng Manila Electric Company (Meralco) na makuha ang 1,200-megawatt sa pamamagitan ng wholly-owned subsidiary sa ilalim ng panuntunan ng competitive selection process (CSP).