Chan diniskaril ang Dyip

Nagsalpak ng 20 points kalakip ang limang rebounds at tatlong assists si Jeff Chan para bidahan ang Ginebra sa pagsenglot sa Columbian, 113-90, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 eliminations Biyernes ng gabi sa Big Dome.


Manuel niligwak ang Phoenix

Pumiga si Vic Manuel ng 20 points, 3 rebounds, 2 steals at 1 assist upang balikatin ang Alaska Milk sa pagsipa sa Phoenix Pulse, 105-102, at manatili sa kontensiyon sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-2020 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Big Dome.


Travis balik ang bangis, Magnolia pinara ang Dyip

Sinandigan ng defending champion Magnolia ang pagbabalik ng angas ni Romeo Travis upang putulin ang tatlong sunod na kamalasan sa pagbundol sa Columbian, 118-103, sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-2020 eliminations, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


Alston pinara ang debut ni Gee sa Phoenix

Sinandigan ng Columbian si Khapri Alston upang itakas ang 106-104 panalo kontra Phoenix Pulse at manatili sa kontensiyon sa quarterfinals sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-2020 Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


C-Stan, NorthPort binulaga ang SMB

Bumangka si Christian Standhardinger ng 18 points, 7 assists, 5 rebounds at 2 steals upang balikatin ang NorthPort sa paggulantang sa unang laban sa dati niyang team, ang grand slam-seeking San Miguel Beer, 127-119, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.


Harris papasada na sa NLEX

Bagong mukha ang ipaparada ng NLEX laban sa Columbian sa first game ng PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo mamaya.


Fuller isinuko ng NLEX sa Blackwater

Hinayaan ng NLEX ang karapatan kay import Aaron Fuller patungo sa Blackwater habang inaprubahan naman ng Office of the PBA Commissioner ang paglipat ni Abu Tratter mula sa Elite pa-Alaska kapalit ni Carl Bryan Cruz.


Fajardo vs Castro sa BPC; McCullough vs Jones sa BI

Kinapitan ni Jayson Castro ng TNT ang ikatlong puwesto sa istatistika para sa Best Player of the Conference kahit bumaba ang mga numero niya sa lahat ng mga manlalarong na nasa Final 4 ng 44th PBA Commissioner’s Cup 2019 Final Four.