Pelikulang Pinoy lupaypay sa pandemya

Umabot na sa P12 bilyon ang nawalang kita ng movie industry sa Pilipinas dahil sa pananatiling nakasara ng mga sinehan dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).


Tim Yap nag-sorry sa pasaway na birthday party

Humingi ng paumanhin si social media personality Tim Yap sa paglabag niya at mga kasama niya sa ipinatutupad na health protocol laban sa coronavirus nang magdiwang ng kaarawan sa Baguio City at nag-viral sa social media.


Duterte ‘di kinonsulta sa pagbasura ng UP-DND accord – Roque

Hindi raw kinonsulta ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyong ipawalang-bisa na ang kasunduan ng DND sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa pagpasok ng otoridad sa loob ng campus nang walang abiso.


Sinovac tiniyak ang ligtas, mabisa, abot-kaya na COVID vaccine

Siniguro ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech na ang kanilang bakuna laban sa coronavirus disease ay ligtas, mabisa at may makatuwirang presyo. “Our safety data collecting is showing there are no serious adverse reactions related to the vaccine,” lahad ni Sinovac Biotech General Manager Helen Yang sa isang panayam sa CNN Philippines nitong Lunes. […]


Konektado sa komunista? Badoy pinalagan ng CNN PH

Hindi pinalampas ng CNN Philippines ang pahayag sa social media ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy tungkol sa ginawang pagbabahagi ng nauna sa isang donation drive para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo sa bansa.


Mga embahada ng ‘Pinas kabitan ng CCTV – Zubiri

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na lagyan ng CCTV cameras ang lahat ng tanggapan at tirahan ng mga ambassador ng Pilipinas saanmang panig ng mundo para maiwasan ang pag-abuso tulad ng nangyari sa Pinay domestic helper sa kamay ng kanyang amo sa Brazil.