AFP sa PNP: Mga pulis sa pagpatay ng 4 sundalo ‘wag pagtakpan

Binigyang-diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Gilbert Gapay na dapat maging factual ang Philippine National Police (PNP) sa paggawa ng spot report sa naganap na insidente sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29 kung saan apat na sundalo ang napatay ng mga pulis.