Pagtanggal ng DOH sa mass testing, contact tracing malaking pagkakamali — Chiz

Binatikos ni dating senador at Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang Department of Health (DOH) dahil sa pag-alis nito sa contact tracing at mass testing bilang parte ng estratehiya ng pamahalaan kontra COVID-19, kasabay ng kanyang pagsasabi na importante ang mga hakbang na ito sa pag-isolate at paggamot sa mga Pilipinong nahawahan ng coronavirus at upang maiwasan din ang pagkalat ng sakit sa mga komunidad.


Mga LGUs kakapusin pa rin kahit may Mandanas ruling – ChiZ

Pinapayuhan ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang mga kapwa niya local chief executive na huwag asahan ang karagdagang P234 bilyon sa internal revenue allotment (IRA) ngayong taon alinsunod sa pagtalima ng pambansang gobyerno sa Mandanas ruling ng Korte Suprema.


Chiz sa PhilHealth: Ipagpaliban pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro

Umapela si Sorsogon Gov. at senatorial candidate Chiz Escudero sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ipagpaliban muna ang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ngayong 2022 kasabay ng kanyang panawagan sa mga mambabatas na magpasa ng isang batas na magsususpinde sa nakatakdang pagtaas ng kontribusyon sa ilalim ng Universal Health Care Act, lalo’t maraming miyembro ang patuloy na naaapektuhan ng pandemya na magdadalawang taon na.


‘Build, Build, Build’ gawin sa kanayunan — Chiz

Dapat palawakin, pabilisin, at gawin labas sa mga sentrong panglungsod ang malalaking proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan upang makalikha ng trabaho at oportunidad at upang mapagalaw ang mga aktibidad na pang-ekonomiya sa kanayunan, ayon kay Sorsogon Gov. Chiz Escudero.


Chiz: Herd immunity makakamit ng Sorsogon bago matapos 2021

Naniniwala si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na makakamit ng probinsiya ang herd immunity sa pagtatapos ng 2021 kung kailan inaasahang mababakunahan ang 85% ng target population nito – lampas-lampas sa itinatakda ng World Health Organization (WHO) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).


Chiz sa PAO: Dagdagan ‘abogado ng bayan’

Dapat dagdagan ang mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) upang mabigyan ng legal assistance ang mga Pilipino na hindi kayang kumuha ng sarili nilang abogado, ayon kay Sorsogon Governor at senatorial aspirant Francis “Chiz” Escudero.


Enerhiya, dapat prayoridad ng sunod na admin – Chiz

Inihayag ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat isali ng susunod na administrasyon sa mga pangunahing prayoridad nito ang enerhiya upang maiwasan ang posibleng krisis sa kuryente at masiguro na mayroong pangmatagalang estratehiya ang bansa para sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente bilang paghahanda na rin sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.


Chiz kapit sa no. 2 sa SWS senatorial survey

Nananatiling matatag ang pwesto ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa kandidato sa pagka-senador kung saan 51 porsyento ng mga respondente ang nagsabing iboboto siya sa May 2022 national elections, batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Oktubre 20-23.