magdalo-gary-alejano

Ipinagkanulo

Kung mayroon mang pinakamatinding insulto na natanggap ang sambayanang Pilipino sa paggunita nito ng ika-120 anibersaryo ng ating kalayaan, ito ay ang pag-imbita ng Malacañang kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua para samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite kung saan unang iwinagayway ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas bilang deklarasyon ng ating kasarinlan.