guillermo-eleazar

NCRPO chief: Walang banta sa SONA

Walang anumang banta sa ikatlong Station of the National Address (SONA), ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar.


jail5

2 Chinese ‘loan sharks’ tiklo sa pagkulong sa Taiwanese

Arestado at kinasuhan ng Paranaque police ng kidnapping at serious illegal detention ang dalawang Chinese national dahil sa tatlong araw na pagbilanggo sa isang Taiwanese national na hindi nakabayad ng kanilang ipinautang na pangsugal sa casino.


1-kilo ng imported marijuana, shabu nasabat sa Cainta

Narekober ng mga tauhan ng Calabarzon PNP ang mahigit P2 milyong halaga ng imported marijuana at shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang parking lot sa Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal kaninang madaling-araw.


crime-scene-dead

Lalaki patay nang manlaban sa Oplan Galugad sa QC

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalake matapos na maka-engkwentro ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Novaliches 10:00 Biyernes ng gabi.


Doktor, mastermind sa pananambang sa abogado

Tumangging magsalita ang isa sa mga suspek na kasama ng napatay na AWOL na pulis ng Northern Police District sa bigong ambush sa isang abogado sa Quezon City nitong Martes ng madaling-araw.


ABANTE TNT pulis baril patay dead crime sekyu

Anak binaril ng ama dahil sa ‘wrong turn’

Nahaharap ngayon sa kasong ‘frustrated parricide’ ang isang ama, matapos na barilin ang kanyang 28-anyos na anak habang nagmamaneho nang magkamali lamang sa tinahak na daan sa kanilang patutunguhan sa Quezon City, nitong nakaraang Huwebes ng gabi.


Lolo naglako ng shabu sa palengke, arestado

Binitbit ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lolo makaraang may makapagbigay ng impormasyon na naglalako umano ito ng ipinagbabawal na droga sa mga palengke sa Quezon City.


Walang ‘DDS’ sa QC – Eleazar

Mariing pinabulaanan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar na may mga tauhan siya na miyembro ng ‘Davao Death Squad’ (DDS), matapos na ilathala ng Reuters na umano’y ang Batasan Police Station 6 ang tinaguriang ‘Deadliest Police Station’.


‘Spiderman’ nalambat sa QC

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturong ‘notorius’ na miyembro ng Akyat bahay gang na tinaguriang ‘spiderman’ sa Bago Bantay, Quezon City, kahapon ng madaling araw.


‘Termite Gang’ alaga ng SAF-PNP

Pag-aari umano ng miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang ‘hide-out’ na nirerentahan ng mga nadakip na ‘Termite Gang’


5 suspek sa China Bank robbery, timbog

Nabigo ang limang kawatan na umano’y pawang miyembro ng ‘Termite Gang’ na una nang nanloob sa China Bank nang muli umanong nagpa-plano na sunod na pagnakawan ang Banco De Oro sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.


China Bank robbery, ‘inside job’

Sinisilip ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang anggulong ‘inside job’ sa naganap na China Bank robbery sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Lunes ng umaga.