Nang-agaw ng baril: Mall sa Mandaue hinoldap, 4 suspek patay

Patay ang apat na umano’y holdaper na sangkot sa panloloob at panlilimas ng alahas sa ilang stall sa JCenter mall sa Mandaue City matapos umanong tangkaing mang-agaw ng baril sa mga umarestong pulis sa Puambato Port, Bago City, Cebu, Sabado ng gabi.


P30M ng taklobo nasamsam, 5 arestado

Umaabot sa halagang P30 milyon halaga ng fossilized giant clam o taklobo ang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang joint simultaneous operation na inilunsad ng awtoridad kung saan limang suspek ang naaresto, Miyerkoles ng hapon sa bayan ng Cordova, Cebu.


Shabu pAsay

9 swak sa P135K shabu, drug den sa Talisay, Cebu

Arestado ang siyam katao, kabilang ang tagapangasiwang bahay na ginagawa umanong drug den, matapos salakayin ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang drug raid sa Talisay City, Cebu, Linggo ng madaling araw.


Mabagal ang internet! Urban Deca Homes pinasusuka ng P27.1M

Binigyan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Urban Deca Homes Manila Condominium Corp at ang parent company nitong 8990 Holdings Inc. ng 30 araw para bayaran ang multang P27.1 milyon at payagan ang ibang mga internet service provider sa siyam pa nitong mga condominium project.


Sinermunan dahil sa BF: Dalagita umakyat sa tower

Nagbantang tatalon sa isang mataas na tower ang isang 17-anyos na dalagita matapos mapagsabihan ng kanyang ate tungkol sa pakikipagrelasyon, Biyernes ng umaga sa Barangay Poblacion, Medellin, Cebu.


P32M marijuana, binunot at sinunog sa Cebu

Umaabot sa 80,000 fully-grown marijuana plant na tinatayang nasa P32 milyon ang halaga ang binunot at sinunog ng awtoridad nitong Martes ng umaga sa bayan ng Balamban, Cebu.


P240K shabu naispatan sa sementeryo, tulak patay

Patay ang isang high value target na pusher habang aabot sa mahigit P240,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska dito sa naganap na shootout, Lunes ng gabi sa pagitan ng pulisya at ng suspek sa isang sementeryo sa bayan ng Cordova, Cebu.


Matapos mag-caroling: Magtropa inulan ng bala

Patay na nang matagpuan ang dalawang lalaking magkaibigan na nangangaroling sa mga pampasaherong dyip na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage sa mabundok na bahagi ng Sitio Capasanan, Barangay Casili, Mandaue City, Cebu Sabado ng gabi.