‘Wala akong nabuntis na pulis!’ – Mark Anthony

Tahasan na pinabulaanan ni Mark Anthony Fernandez ang balita na nakabuntis siya ng dalawang policewoman habang nakakulong sa Pampanga Provincial Jail. Sinabi ni Mark na fake news ang kumalat na balita dahil wala itong bahid ng katotohanan.