8 bayan sa Cagayan pinalubog sa baha ni ‘Quiel’

Tatlo na ang naiulat na nasawi habang walong bayan sa lalawigan ng Cagayan ang lumubog sa baha sanhi ng limang araw na walang tigil na pag-ulan ng Tropical Storm Quiel at tail-end of the cold front, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 2.


3 dedo, higit 8K lumikas dahil kay ‘Quiel’

Umakyat na sa tatlong katao ang naiulat na patay habang isa pa ang nawawala sa malawakang pagbaha sa Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng bayong Quiel, ayon sa Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office-Cagayan (PCCDRRMC-Cag).


Bagyong Quiel nanalasa sa Cagayan: 2 patay

Idineklara na ang state of calamity sa mga bayan ng Claveria at Allacapan dahil sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa na dala ng Tropical Storm “Quiel” nitong Huwebes, Nob. 7.


36 mag-aaral sa Cagayan sinugod sa ospital

Sinugod sa ospital ang 36 na estudyante ng Gadu National High School (GNHS) matapos makalanghap ng usok ng isang kemikal sanhi ng kanilang pagkahilo at ang ilan ay hinamatay sa Solana, Cagayan noong Martes.


drowning

Ama lunod sa pagligtas sa anak

Patay ang isang ama matapos malunod dahil sa pagligtas sa kanyang anak sa baybayin na nasasakupan ng bayan ng Buguey, Cagayan noong Lunes.


Mga checkpoint sa Cagayan nilatag vs. ASF

Mga checkpoint sa Cagayan nilatag vs. ASF

Naglagay na rin kanina ng checkpoint sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan para tiyaking hindi mapasukan o maapektuhan ng African swine fever (ASF) ang kanilang mga baboy.


Kelot dedo sa pagbomba ng gulong ng truck

Todas ang isang lalaki matapos itong masabugan ng gulong ng isang truck na kanyang binubombahan sa construction site ng isang mall sa Tuguegarao City, Cagayan noong Martes.


9 umano’y NPA sumuko sa Cagayan

Sumuko ang siyam na hinihinalang miyembro ng Milisya ng Bayan (MB) ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa bayan ng Gonzaga, Cagayan kahapon, Setyembre 24, 2019.


Palakasan! Mga magsasaka sa Cagayan nadismaya sa NFA

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang magsasaka sa bayan ng Solana, Cagayan sa National Food Authority-Cagayan (NFA-Cagayan) dahil sa diumano’y pagkakaroon ng palakasan sa pagbili ng palay ng nasabing ahensiya.


32 preso tinutugis sa Cagayan Valley

Patuloy na pinaghahapan ng Police Regional Office 2 (PRO-2) ang 32 na convict na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na hindi pa sumuko sa kasalukuyan.


Barangay chairman binutasan sa batok

Todas ang isang barangay chairman matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang sakay siya ng kanyang sasakyan sa Barangay Bugnay, Tuao, Cagayan noong Biyernes.


5-anyos todas sa ‘killer van’

Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos mabangga ng isang humaharurot na pick-up van sa national highway sa Barangay Dummon, Gattaran, Cagayan noong Lunes.


Arko tinumbok: Apayao gov’t official todas

Todas ang budget officer ng Conner, Apayao local government unit (LGU) matapos suwagin ang isang arko ng Tuao, Cagayan habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Tulao noong Miyerkoles.


Retiradong pulis na tumatakbong konsehal, itinumba sa Legazpi City

Ex-barangay chairman niratrat ng riding-in-tandem

Binistay ng bala ng baril ang buhay ng dating barangay chairman habang sugatan naman ang kanyang 12-anyos na anak matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem na mga suspek sa Barangay San Mariano, Lal-lo, Cagayan, Miyerkoles ng umaga.