Barkong galing SoKor, hinarang sa Zambales

Hinarang ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang Liberian-flagged merchant ship nang madiskubreng may lulan itong umaabot sa 53,000 metriko toneladang toxic substance sa Cabangan, Zambales, Biyernes, Nobyembre 22.