Pwede maging choosy sa brand ng booster shot – DOH

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang mga panuntunang susundin sa paglarga sa pagtuturok ng booster shot sa mga healthcare worker, kung saan isa sa mga nakalista ay maaari nang mamili ng brand ng bakuna para sa booster shot na ituturok.