Immigration hirap din sa face mask

Maliban sa mga health worker, maituturing din na mga “frontliner” ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa krisis sa coronavirus dahil sila ang unang nakakasalamuha ng mga pumapasok sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.