Hirit ng Bayan Muna imbestigasyon sa panayam kay Palparan

Naghain ng resolusyon ang mga kinatawan ng Bayan Muna party-list upang paimbestigahan sa Kamara de Representantes ang hindi otorisadong panayam kay retired general Jovito Palparan Jr. na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention.


No-el scenario bantayan—Bayan Muna

Nagbabala si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng kinokondisyon na ang utak ng publiko para sa isang no election scenario.