Bayan Muna sa ERC: Meralco imbestigahan sa ‘power surge’

Pinaiimbestigahan nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco sa kahina-hinalang pagtaas ng singil sa kuryente sa kabila ng pagtiyak ng Inter-Agency Task Force in Managing Emerging Infectious Diseases (IATF ) na may ‘overcapacity of supply.’


Mutual defense treaty, EDCA, sunod na ibasura sa VFA – Zarate

Kasabay ng pagsuporta sa tuluyun nang pagkansela ng pamahalaan sa Visiting Forces Agreement (VFA)sa Estados Unidos, hiling naman ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Panguong Rodrigo Duterte na kanselahin na rin ang Mutual Defense Treaty (MDT) at ang Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA).


Confidential fund ng DICT, ginamit paniktik sa mga kritiko ni Duterte – Zarate

Kasabay ng kuwestiyonableng paggamit ng confidential fund ni Information and Communication Technology Secretary Gregorio Honasan, paniwala ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ito’y ginamit para isailalim sa surveillance o tiktikan ang mga oposisyon at kritiko ng administrasyong Duterte.


SC ruling binalewala ng Meralco, ‘sweetheart deal’ tuloy pa rin – Zarate

Ipinahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na bagama’t ipinawalang-bisa na ng Supreme Court (SC) ang naunang power supply agreement (PSA) ay ipinagpapatuloy pa rin ng Manila Electric Company (Meralco) na makuha ang 1,200-megawatt sa pamamagitan ng wholly-owned subsidiary sa ilalim ng panuntunan ng competitive selection process (CSP).