Mag-uutol nag-away sa lupa, 2 todas

Dalawa ang patay habang isa ang sugatan matapos mauwi sa karahasan ang pagtatalo sa lupa ng dalawang pamilya sa Taytay, Palawan nitong Lunes.


Makati hotel mananagot sa pamilya Dacera

Tinitingnan na ng pamilya Dacera ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa City Garden Grand Hotel sa Barangay Poblacion, Makati City kung saan natagpuang patay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine noong Enero 1.


Totoy todas sa sumabog na gas tank

Nasawi ang isang 10-anyos na lalaki habang lima pa ang sugatan matapos sumabog ang isang tangke na ginamit sa paggawa ng lobo sa bayan ng Norala, South Cotabato noong Linggo.


Sabik mag-inuman! 15 foreign national, KALABOSO

Labing lima na foreign nationals ang arestado matapos mahuling nag-iinuman at makumpiskhan ng ilegal na droga. Kabilang sa nahuli ang 11 Cameroonian,1 Nigerian,1 Schelles,1 Liberian at 1 Sambia national sa D Evolution Bar and Kitchen sa Barangay Poblacion sa Makati City.


Sanggol nalunod sa 1 baldeng tubig

Patay ang isang siyam na buwang gulang na sanggol matapos malunod sa isang baldeng tubig habang pinapaliguan ng mga menor de edad na kapatid at pinsan sa Barangay Poblacion, Marco, Davao del Oro noong Miyerkules.


Police asset, 1 pa niligpit

Patay ang isang police asset at live-in partner nito matapos tadtarin ng bala sa Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.


Sanggol sinilid sa eco bag, inabandona sa basurahan

Isang kasisilang pa lamang na sanggol na lalaki ang inabandona ng isang hindi nakilalang babae sa tambakan ng basurahan sa gilid ng maliit na kalsada sa Barangay Poblacion, Biñan City, Laguna nitong Martes ng madaling-araw.


Negosyante todas sa kagawad

Patay ang isang negosyante matapos mabaril ng barangay kagawad na kanyang sinuntok sa Calaca, Batangas, Martes ng hapon.


Pinsan ni Andal Ampatuan Sr. tinambangan, police escort patay

Pauwi na si Shariff Aguak, Maguindanao Vice Mayor Akmad Ampatuan mula sa town hall kasama ang kanyang misis ng biglang sumulpot ang isang motorsiklo at pinaputukan ng mga sakay nito ang kanilang sinasakyang Innova, bandang ala-1 ng hapon nitong Martes, Disyembre 24.


4 bata patay sa 4 nagkarambolang sasakyan sa Sultan Kudarat

Patay ang anim katao habang lima ang sugatan matapos salpukin ng SUV ang kinakarerang pick-up truck at sinalpok ang kasabayang tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Purok 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat, Biyernes ng madaling araw.