LRT-1 tigil operasyon na simula Marso 17

Bilang suporta sa gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19) sa bansa, pansamantalang sususpendihin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang LRT-1 operation epektibo sa Martes, Marso 17.


QC naglabas ng rerouting scheme para sa Undas

Naglabas ang Quezon City’s Task Force for Transport and Traffic ng rerouting scheme para sa mga motorista na dadalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mga sementeryo ngayong Undas.


58-toneladang coping beam bumagsak, trapik sa NLEX bumagal

Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Balintawak at Camachile matapos na isara ang isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) Linggo ng madaling-araw, Agosto 18, dahil sa pagbagsak ng tinatayang 58-toneladang coping beam na ikinabit sa kolum ng Skyway.


Obrero binaunan ng bala sa leeg

Dedbol ang 37-anyos na obrero makaraang malapitang dalawang beses na binaril sa leeg ng isang ‘di pa nakilalang lalaki sa Balintawak, Quezon City nitong Linggo ng gabi.


SDEU chief naputukan ang sarili, todas

Patay ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang maputukan nang nalaglag na baril habang nagpapalit ng uniporme sa loob mismo ng istasyon ng pulisya sa Quezon City, kahapon ng umaga.


Dahil sa alak? 13-anyos nagbigti sa Kyusi

Nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti ang 13-anyos na out-of-school youth na batang lalaki gamit ang sinturon na isinabit sa kisame ng kanilang kusina sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.


arestado

3 huli sa P275K halaga ng marijuana

Nadakip ang tatlong nagbebenta ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Quezon City Police District Police (QCPD), National Capital Region Police Office Regional Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office sa Quezon City kaninang madaling-araw.


Dalagita dinukot sa bar, natagpuan sa hotel

Nasundo sa isang hotel ang 16-anyos na dalagita na dinukot nang malasing at makatulog sa labas ng kilalang bar na isinama lang ng kanyang ina sa ginanap na farewell party nitong madaling-araw ng Agosto 5 sa Quezon City.


gun1

Binata niratrat sa loob ng taxi, patay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang binata ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng bonnet habang ang una ay sakay sa nakaparadang taxi at hinihintay ang nobya na bumibili ng gamot sa isang drug store sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.


trak

Paslit pisak ang ulo sa trak

Nadurog ang ulo ng 2 taong gulang na batang lalaki matapos na masagasaan at magulungan ng trak habang naglalaro sa gilid ng kalsada sa Balintawak, Quezon City kamakalawa ng gabi.