LGU, mga resto owner sanib puwersa sa pagpapakain sa barangay

Hinikayat ni Bagong Henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera ang lahat ng local government unit (LGUs) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-MEID) na makipagtulungan sa mga restaurant sa paghahanda ng pagkain na bibilihin sa murang halaga at ipapamahagi sa mga barangay na apektado na pinapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at buong Luzon.