medals

8.5K athletes rambol sa 2.8 PNG medals

May 8,500 national athletes, training pool members at naghahangad na mga mapabilang doon sa kapuluan ng bansa ang magtatagisan ng galing para sa 2,800 medals sa 22 sports sa ratsada ng 9th Philippine National Games 2018 na pagkaabalahan ng Cebu Province at Cebu City sa papasok na buwan.


psc1

Ramirez nagsori sa nat’l athletes

Humingi ng paumanhin ang Philippine Sports Commission sa mga national athlete, lalo na sa mga nakabase sa PhilSports Complex sa pagkaantala sa paghahatid serbisyo ng government sports agency lalo’t apat na buwan na lang ay 18th Asian Games 2018 na sa Indonesia.


ironkids-triathlon

200 tampok sa IronKids triathlon

Higit 200 young athletes ang papagitna para pag-agawan ang top honors ng apat na kategorya ng swim-bike-run race ngayong Sabado sa Alaska IronKids sa Azuela Cove sa Davao City.

Pakakawalan ang hagaran ng 5:40 am para sa premier 13-14 division, sunod ang 11-12 group ng 6:40 am, 9-10 section ng 7:20 am, at 6-8 class ng 8 am.

Tampok din sa karera ang relay category at play long distance race.


Batang Pinoy all set sa Vigan

ILOCOS SUR – Umabot na sa 5,585 athletes, coaches at officials ng 122 local government units ang pumasok sa registration books sa bisperas ng pagbubukas ng 10th Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships Luzon Qualifying Leg sa Vigan City.