Elmo out ulit sa ‘magic’ ni Janella

Matututunan ni Janella Salvador kung paano mahanap ulit ang magic sa buhay sa kabila ng trahedya at mga pagsubok sa MMK ngayong gabi (Hulyo 7). Malaking parte ng buhay ni Rosela (Janella) ang magic dahil ito ang naging bonding nila ng kanyang tatay na si Ruperto (Tirso Cruz III). Ngunit matapos mamatay ang ama, tila nawala na rin ang magic sa buhay niya at ng kanilang pamilya.