Kapuso aktres binalak magpakamatay

Naging open ang Kapuso actress na si Ashley Rivera na minsan na siyang dumaan sa matinding depression at naisip na rin niyang wakasan ang buhay niya. Ito ang naging kuwento ni Ashley, na unang nakilala bilang si Petra Mahalimuyak, sa kanyang feature sa programa na Tunay Na Buhay.