Danny Ching uminit sa 3rd, finals inupuan ng FCVBA

Umalagwa si dating Grace Christian High School star Danny Ching sa ikatlong quarter para balikatin ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) sa finals ng 60-and-above division nang padapain nito ang host team, 72-63, sa 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament nitong Huwebes sa Prince Songkla University Gym.


26 puntos ni Reyes sinandigan ng FCVBA

Lusot na sa semifinals ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament ang 60s ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association nang lampasuhin nito ang Hat Yai-B, 73-42, Martes, Setyembre 11, sa Prince Songkla University gym sa Hat Yai, Thailand.


Reyes, Yap mabagsik vs Indonesia para sa FCVBA

Hat Yai, Thailand – Pinayuko ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang kanilang kalaban sa 60-and-above at 65-and-above divisions sa pagbubukas ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament noong Lunes sa Prince Songkla University.