Senado dedma sa kondisyon ng Palasyo sa AMLA bill

Binalewala ng Senado ang sertipikasyon mula sa Malacañang para sa agarang pagpasa ng isang panukala para palakasin ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) dahil sa mga kondisyong nakapaloob dito na anila’y paglabag sa separation of powers sa pagitan ng dalawang co-equal branch ng gobyerno.