Petisyon ni Gadon vs ABS-CBN wala sa lugar – Garbin

Giniit ni Ako Bicol party-list Rep. Alfred Garbin na walang basehan ang inihaing petisyon sa Korte Suprema ni Atty. Larry Gadon na humihiling na ipatigil ang pagpapatupad ng sulat ng Kamara sa National Telecommunications Commission (NTC) para payagan ang patuloy na operasyon ng ABS-CBN kahit na mapaso ang prangkisa nito sa darating na Mayo.