9 na ASF outbreak naitala sa QC at Pangasinan

Nagtala ng siyam na outbreak ng African swine fever (ASF) ang Department of Agriculture (DA) mula Setyembre 9 hanggang Oktubre 30, 2019 na sinisisi nito sa pag-transport ng mga maysakit na baboy at pinaghihinalaang swill feeding o pagpapakain ng kaning baboy sa mga alaga.


Mga ahensiya ng gobyerno pinatulong vs. ASF

Kinalampag ng Malacañang ang lahat ng mga departamento sa Ehekutibo na tumulong at magpatupad ng mga polisiya para makontrol ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa buong bansa.


Mga kontaminado ng ASF, alisin sa pamilihan – Pangilinan

Kung totoo umanong kontaminado na ng African swine fever (ASF) virus ang ilang meat product tulad ng tocino at longganisa, dapat tukuyin at tanggalin na ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture sa mga pamilihan, ayon kay Senador Francis Pangilinan.


1,204 kilo ng baboy, sinunog sa Mandaue

Umaabot sa 1,204 kilo na mga nakumpiskang karne ng baboy ang sinunog ng Cebu provincial African swine fever (ASF) task force upang hindi na kumalat pa sa Visayas ang mga karne na mula sa Luzon.


ASF sa PH lalala pa – USDA

Maaaring lumala pa ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa Pilipinas dahil sa pagdagsa ng mga Intsik na turista/manggagawa at pag-uwi ng maraming overseas Filipino worker sa pasko dahil sa mahinang pagpapatupad ng mga patakaran sa paglaban dito.


1K baboy inilibing nang buhay sa Antipolo

30 baboy kumpirmadong may ASF sa Pangasinan

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry-Region 1 (BAI-R1) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 30 na blood sample na kinuha mula sa mga namatay na baboy sa Barangay Apalen, Bayambang sa Pangasinan.


DA umalma: Mga baboy hindi nililibing nang buhay!

Kakalat lang ang ASF! Grupo kontra sa memo ng DILG

Dahil nangangambang lalo lang kakalat ang African swine fever (ASF) sa bansa, inaawat ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang planong memorandm ng Department of Interior and Local Government (DILG) na papayagan ang mga local government unit na alisin ang ban sa pagbibiyahe ng mga processed pork product.


Brgy. Commonwealth sa QC pinasok na ng ASF – BAI

Matapos ihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maituturing nang ‘cleared’ sa African swine fever (ASF) ang tatlong barangay sa nasasakupan, nagpalabas naman ng panibagong resulta na ilan sa mga baboy sa Barangay Commonwealth ang nagpositibo sa virus nitong Miyerkoles.


Kartel ng manok umarangkada sa pamilihan

Umarangkada na naman ang kartel kaya’t biglang tumaas ang bentahan ng presyo ng manok sa kabila ng hindi naman nagkukulang ang supply nito sa mga pamilihan o merkado, ayon kay Senadora Imee Marcos.