jail5

Big-time drug pusher nadakma sa Maynila

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa umanong big-time drug dealer na nakumpiskahan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila.


Duterte kina Lapeña, Aquino: Huwag kayong mag-away!

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Customs Commissioner Isidro Lapeña at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na huwag mag-away sa isyu ng nakapuslit na ilang tonelada ng shabu sa bansa.


NBI kinakalampag ng DOJ sa resulta ng magnetic lifter investigation

Sa gitna ng tumitinding word war sa pagitan nina Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapena at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, pinagmamadali na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon ng mga nasamsam na magnetic lifter sa Cavite na sinasabing pinagsidlan umano ng droga.


Lapeña bumuwelta sa PDEA sa lumusot na ‘shabu’ magnetic lifter

Binuweltahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa isyu ng apat na magnetic lifter na nasamsam sa Cavite na diumano’y naglalaman ng iligal na droga at nakalusot umano mula sa BOC.


4 ‘tipster’ instant milyonaryo sa PDEA

Tila nanalo ng jackpot sa lotto at naging instant millionaire ang apat na impormante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang makatanggap ng P7.563 milyong reward dahil sa kanilang pagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga tulak ng droga at pagkakakumpiska ng malaking volume ng shabu sa bansa.


Aquino kinondena ang pagpatay sa 5 PDEA agent

“Kalupitan ang katrayduran!” – Ito ang ipinahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa pananambang laban sa limang PDEA agents sa Lanao del Sur.


Kelot tiklo sa P3M halaga ng shabu sa parking lot

Dinakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 19-anyos na binatilyo matapos na makumpiskahan ng mahigit sa P3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang sikat na food chain sa Maynila.


Mismong empleyado ng PDEA, tulak ng droga

Buking ang isang empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbebenta ng iligal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation’ sa Tacloban City.


Pampa-‘L’ na ‘Taiwanese Ice’ nasabat sa 2 tulak

Swak sa piitan ang dalawang hinihinalang miyembro ng bigtime drug syndicate na nagpapakalat ng iligal na droga na tinatawag na ‘Taiwanese Ice’ na umano’y may ‘sex stimulant components’, nang masabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Meycauayan, Bulacan,


Lapeña inabsuwelto ni Duterte sa isyu ng puslit na shabu

Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may isang tonelada ng shabu na nakapuslit papasok sa bansa sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC).