Mga fan saludo kina imports Salas, Johnson ng PetroGazz

Kinoronahan bilang mga bagong reyna ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference ang PetroGazz Angels tapos pabagsakin ang Creamline Cool Smashers sa winner-take-all Game 3 via 4-set, 25-15, 28-30, 25-23, 25-19 nitong Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.


Lymareva-Flink, Pacific Town Army ibinagahe ang bronze

Bumulusok sa 1-2, pero napasingasing pa rin ni coach Emilio Reyes, Jr. ang kanyang batalyon sa pangunguna ni Olena Lymareva-Flink para matimbog ng Pacific Town Army sa 5-set ang BanKo, 18-25, 25-16, 20-25, 25-15, 15-13, at masakote ang bronze medal sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference kontra sa BanKo sa Ynares Center, Antipolo Linggo ng hapon.


Nunag, Angels muling nagpasasa sa Perlas

Humambalos si Cherry Rose Nunag ng 12 points sa likod ng 9 attacks, 2 blocks at 1 ace pa sa patuloy na dominasyon ng top seed PetroGazz sa fourth seed BanKo, 25-19, 25-15, 19-25, 25-12, upang lumapit sa finals ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.