MPBL: Walang Banal, walang problema!

Kahit wala ang MVP na si Gab Banal para sa Bacoor Strikers, nagawa pa rin nitong sagarin ang best-of-three series kontra Basilan-Jumbo Plastic nang makaresbak sa Game 2 sa bisa ng 80-69 panalo nitong Huwebes sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan South Semis sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.