LRT2 nag-disinfect ng mga tren

Ang mga tauhan ng LRT2 ay gumagamit ng disinfectant spray upang linisin ang mga upuan at mga hawakan ng mga coach ng tren sa pagsisikap na hadlangan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus sa bansa.


Taiwan planong isali sa travel ban ng DOH

Plano na rin ng Department of Health (DOH) na isali ang bansang Taiwan sa travel ban sa harap ng patuloy na pagkalat ng 2019 novel coronavirus sa iba’t ibang bansa.


Supplemental budget para sa nCoV, tinaas sa P2B

Itinaas na sa P2 bilyon ang itinutulak na supplemental budget ng dalawang kongresista para sa mas epektibong pagtugo ng Department of Health (DOH) sa 2019 novel coronavirus (nCoV) sa bansa.


Magpapakalat ng nCoV fake news, ikukulong!

Magpapakalat ng nCoV fake news, ikukulong!

Nagbabala ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) na makukulong ng anim hanggang 12 taon ang sinumang mapapatunayan na nagpapakalat ng fake news tungkol sa 2019 novel coronavirus (nCOV).


Kahit mabagal sa nCoV contact tracing: Duterte tiwala pa rin kay Duque

Bilib pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III sa harap ng mga panawagang magbitiw ito sa puwesto dahil sa kabiguan nitong maisakatuparan agad ang contact tracing sa mga pasaherong nagmula sa China kung saan nagmula ang 2019 novel coronavirus.


Ilang Pinoy sa Wuhan, ayaw umuwi sa ‘Pinas

Hindi alintana ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) ang paglaganap ng kinatatakutan at nakamamatay na 2019 novel coronavirus (nCoV) at mas nais nilang manatili sa Wuhan, China.