12

Jan 9, 2021 @ 13:34
By

Taduran: Mga passport ng OFW ‘di dapat hawakan ng amo

Sinusulong ng ACT-CIS party-list ang pagpasa ng kanilang house bill na naglalayong bumuo ng panibagong kagawaran para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran, ang pagbuo ng Department of OFW ay tutugon sa iba’t ibang problema ng mga kababayan sa abroad tulad ng sa passport at pakikitungo ng mga amo.

“Kasi marami akong nakakausap na OFW, kala nila hindi sila pinapakain ng mga amo,” lahad ni Taduran sa panayam ng ‘Patrolya Probinsya’ sa Abante Radyo Tabloidista. “Pinapakain naman pala pero hindi nila makain ang mga pagkain ng Arabo.”

“Dapat hindi [rin] hinahawakan ng amo at all times ang visa at passport ng isang OFW, kasi ‘yun ang madalas na problema, hindi sila maka-exit [sa bansa],” aniya pa.

Layon din ng ACT-CIS na iwasan ang underemployment, tulad ng mga guro na ginagawang domestic helper sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?