22

Sep 14, 2020 @ 15:33

Tacloban may drive-in mass

Maraming debotong Katoliko na senior citizen at menor de edad.

Kaya napagpasyahan ni Fr. Kim Margallo na magkasa ng “drive-in mass” para pisikal pa ring makapagsimba ang mga ito kahit hindi sa loob ng simbahan.

Si Margallo ang parish priest ng St. Josemaria Escriva Mission Station sa Brgy. Apitong, Tacloban City.

Samantala, nakasailalim sa general community quarantine ang Tacloban City kaya bawal lumabas ang matatanda at batang mamamayan doon.

“The mass being the highest form of prayer must be celebrated in its normal way. A liturgy of the mass must be an experience that requires full, active, conscious and must be in communion with one another physically,” wika pa ni Margallo sa ulat ng ABS-CBN News.

Ginaganap ang drive-in mass–o ang pagsisimba sa loob ng kani-kanilang nakaparkeng sasakyan–kada alas-sais ng gabi, tuwing Linggo.

Samantala, may pwedeng magsimba sa loob ng simbahan pero limitado ang bilang, dapat may quarantine pass, at nakasuot ng face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?