85

Dec 16, 2017 @ 13:21

Tacloban City, Northern Samar isinailalim sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang Tacloban City at Northern Samar dahil sa inaasahang pag-landfall ng bagyong Urduja mamayang hapon.

Ayon kay Vice Mayor Jerry Yaokasin, nagpasa ng resolusyon para sa deklarasyon matapos ang ulat na 80 sa 138 barangay sa Tacloban ang binaha. May ulat din umano ng mga landslide sa walong barangay.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay magbibigay ng agarang pagpapalabas ng pondo para sa kinakailangang tulong dahil sa bagyo.

Libong pamilya na ang nananatili sa mga evacuation center.

Samantala, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Rei Josiae Echano na isinailalim din ang Northern Samar sa state of calamity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?