11

By

Tacloban bypass road, bubuksan sa publiko sa 2019 – DPWH

Sharing is caring!

Inaasahang matatapos na sa 2019 ang konstruksyon ng Tacloban Bypass Road na may habang 6.4 kilometer.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, ang unang bahagi ng proyekto na mula sa Barangay Caibaan hanggang Barangay Apitong ay natapos na noong 2016.

Pero ang kumpletong proyekto na mula sa Brgy Tigbao hanggang Caibaan ay maari na umanong buksan sa mga motorista sa taong 2019.

Layunin ng konstruksyon ng Tacloban Bypass Road na maibsan ang traffic sa Maharlika Highway.

Ang Maharlika Highway ay bahagi ng Eastern Nautical Highway na nagdurugtong sa Eastern Visayas sa Luzon at Mindanao.

Kadalasang inaabot ng isa’t kalahating oras ang byahe sa Mahalika Highway sa Tacloban City patungo ng Palo, Leyte, pero ito ay inaasahan umanong iikli sa 30 minuto oras na makumpleto na ang bypass road. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?