332

Oct 20, 2017 @ 18:19

Tacloban Airport, balik-operasyon na

Makalipas ang tatlong oras, nagbalik-operasyon ang Tacloban Airport matapos itong magsara ng dahil sa biglang pagtirik sa runway ng isang eroplano ng Air Asia.

Nabatid na alas-10:40 ng umaga nang bawiin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inilabas nilang notice to airmen (NOTAM) para sa Tacloban Airport.

Sa inilabas na pahayag ng Air Asia sa pamamagitan ni Jenny Tan, nagbalik na sa normal ang kanilang flights sa rutang Manila–Tacloban.

Pasado alas-siyete ng umaga nang bigla na lang huminto ang makina ng Air Asia Flight Z2330, na may sakay na 164 pasahero at nagmula sa NAIA.

Nagkaroon ng technical issue sa nose wheel steering ng eroplano.

Kasabay nito, humingi na rin ng paumanhin si Tan sa lahat na naabala ng pangyayari. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?