15
views

By

Tacardon, Pinoy booters ginimbal ang Singaporeans

Sharing is caring!

Iniskor ni Fidel Tacardon para sa Pilipinas ang pang-ungos para sa kapana-panabik at pambulagang 2-1 desisyon laban sa Singapore para sa umuugoy na panimula sa 16th ASEAN Football Federation Under-19 Men’s Championship Linggo ng gabi sa Joko Samudro Stadium sa Gresik, Indonesia.

Sa paubos nang oras para sa napipintong 1-1 draw, magilas na sumila sa may kahon ang Pinoy booter sa ika-94 na minuto na bumasag sa puso ng 2003 bronze medalist Singaporeans at makinang na simula ng bansa sa Group A.

Ang standout ng University of the Philippines at UAAP Rookie of the Year din ang nagbigay ng 1-0 bentahe sa Nationals sa 20th-minute opening goal na kinalundag sa bench ni coach Reiji Hirata bago nahatak sa tabla ni Singaporean Syadahat Masnawi ang tadyakan sa ika-78 minuto.

Kahanay ng PHL 11 ang Idonesians sa tuktok ng katayuan nang maitakbo ng Indons ang 1-0 laban sa Laos. Tumabla lang ang patok na Thailand sa Vietam 0-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?