151

Nov 6, 2017 @ 12:23

Tabloid employee, pinatay sa saksak ng katrabaho

Patay ang production maintenance ng isang tabloid matapos saksakin ng kanyang katrabaho sa ikalawang palapag ng People’s Journal Building sa Port Area, Maynila kagabi.

Nakilala ang biktima na si Arnold Reyes, 50 taong gulang.

Ang suspek naman sa krimen ay si Ronnel Tolibat, alyas “Foundation”, na isa namang production assistant.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nakita na lang na bumababa ang biktima mula sa ikalawang palapag ng gusali at humihingi ng tulong.

Isinugod siya sa Manila Doctors Hospital pero binawian ng buhay alas-10:30 kagabi bunsod ng saksak sa kanang bahagi ng tiyan.

Nakita ring putol ang tatlong daliri ng biktima sa kaliwang kamay.

Napag-alaman na dati nang kinompronta ng biktima si Tolibat dahil lagi raw itong nakatingin sa kanya.

Nagtalo rin ang dalawa noong Sabado sa hindi malamang dahilan.

Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang suspek. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?