66

Sep 29, 2017 @ 21:55

Table tennis crowns winalis ng Benilde, Beda

Kinumpleto ng College of Saint Benilde at San Beda ang 11-game sweep para tanghaling kampeon sa men’s at women’s divisions ng 93rd NCAA table tennis tournament sa Harrison Plaza Activity Center sa Maynila.

Sa pangunguna ni tournament MVP Ryan Rodney Jacolo, kinalos ng Blazers ang Letran Knights para hablutin ang pang-apat na sunod na titulo sa men’s division.

Nakipagkampihan si Jacolo kina Serknight Benoy, Joshua Padilla at James Sy para makuha ang korona. Nakopo ng Kurt de Guzman-mentored Lady Red Paddlers ang fifth consecutive women’s championship.

Undefeated din ang San Beda na giniyahan nina MVP Abrianne Dominique Nuevao, Angelica Sanchez, Kryslyn Manez at Rismae Bernal. Sumakay ang Beda kay MVP Ryan Daniel Jurado para sikwatin ang seventh crown sa juniors division. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?