389

Nov 28, 2019 @ 21:29
By

Tabla-tabla! Mga piratang mahilig mandukot ng Pinoy seaman patayin – Duterte

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na uutusan niya ang Philippine Navy na tugisin at pulbusin ang mga pirata matapos mapaulat ang pagdukot sa 11 Filipino sailor sa mga karagatan ng Togo at Benin sa West Africa.

“I will send the Navy there, kapag nakita nila ‘yung mga…patayin na lang nila. Tabla-tabla na lang,” pahayag ng Pangulo sa awarding ceremony para sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang.

Inakusahan naman niya ang United Nations ng pagiging inutil dahil sa kabiguan na magtatag ng peace and order.

“Kung hindi Hapon, Pilipino, Indonesians. They are the favorite in the minnow of the pirates. Ang isip-isip ko, I’m kind of telling the United Nations. Napaka-inutil naman ninyo diyan. I mean… It has been an inutile body actually. The United Nations has failed to establish order on this planet and…it has not prevented wars, it has not taken any punitive actions against the pirates,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?