117

Oct 12, 2020 @ 17:56
By

Tabatsoy na Pinoy actor sa ‘Spider-Man’ binida katawan

Proud na ipinakita ng Fil-Am actor na kabilang sa cast ng “Spider-Man” film ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.

Sa kanyang Instagram post, October 10, minarkahan ni Fil-Am actor Jacob Batalon ang kanyang birthday sa pamamagitan ng mirror selfie kung saan makikita ang fit na niyang katawan.

“By the way, while I appreciate the concern, people can stop telling me to lose weight now,” sabi niya sa caption.

Bago noon ay nag-post siya ng litrato niya na kuha noong 2019 kung saan makikita ang mataba pa niyang katawan.

Si Batalon ang gumaganap sa karakter na si Ned Leeds, BFF ng bidang si Peter Parker o Spider-Man.

Inaasahang kasama rin siya sa ikatlong installment ng “Spider-Man” movie na pinagbibidahan ni Tom Holland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?