249

Jun 5, 2020 @ 14:01
By

Taba ng utak! Mag-asawa sa motor lusot sa MMDA

May naisip na paraan ang isang mag-asawa para mapayagang mag-angkas sa motorsiklo.

May hawak na plastic barrier ang babaeng backride sa likod ng lalaking drayber ng nasabing sasakyan.

Sambit ni Facebook user Ian Pabillan, Hunyo 4, “Wala magawa yung MMDA kanina kundi tulala at tumawa na lang at sumaludo sa mag asawa.”

“pati ako nagulat sa taba Ng utak nila..sinusundan ko cla na natatawa ako at humanga,” aniya pa.

Pag gustuhin my paraan Wala magawa yung MMDA kanina kundi tulala at tumawa nalang at sumaludo sa mag asawa..pati ako…

Posted by Ian Pabillan on Wednesday, June 3, 2020

Sa ngayon, pinayagan ng gobyernong bumiyahe sa mga national highway ang mga motorsiklong may sidecar para maibsan ang kakulangan ng transportasyon sa mga nasa general community quarantine at modified GCQ.

Samantala, bawal pa rin ang mga tricycle at pedicab sa mga pangunahing kalsada.

‘Di pa rin pwede maging ang angkas kahit pa mag-asawa dahil labag daw ito sa physical distancing. (sdc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?