26

Apr 17, 2020 @ 19:30
By

Tab Baldwin: Nasa maayos na kondisyon ang mga bata ko

Siniguro ni Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin na nasa maayos na kondisyon ang kanyang mga manlalaro sa kabila ng banta ng COVID-19 sa bansa.

“The players are reacting pretty well,” pahayag ni coach Tab sa panayam ng CNN Philippines.

“We stay in touch with the players. That will continue in this lockdown.”

Aminado ang coach na maraming training sessions ang naudlot dulot ng Luzon-wide ECQ.

“We lost a lot of opportunities in training schedule,” sambit pa niya.

Gayunman, sa kabila aniya nito ay patuloy pa rin sa pagmamando ang kanyang coaching staff kung saan maging ang mga atleta nito ay propesyunal ding magtrabaho.

“We have a coaching staff that continues to work despite the restrictions. The players are acting professionally,” paniguro nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?