37

Jun 13, 2021 @ 13:09
By

Tab Baldwin balik bilang Gilas coach

Mula sa pagiging program director, sasalang muli si Tab Baldwin bilang coach ng Gilas Pilipinas.

“I have accepted the opportunity and the challenge to be Gilas’ head coach at this time. I am honored to continue working with this outstanding coaching staff as we strive to take these next steps forward in the direction we envision for 2023,” saad ni Baldwin.

Unang nagsilbing coach si Baldwin noong 2015 nang masungkit ng Gilas ang runner-up finish sa Fiba Asia Cup matapos nilang mabigo kontra China sa Finals.

Naging tactician din si Baldwin noong 2016 Fiba Olympic Qualifying Tournament kung saan nakadikit ang Gilas sa France at New Zealand.

“I’m hoping that my international coaching experience and familiarity with our playing systems will be an additional asset to the team in the upcoming challenges the team is facing,” saad ni Baldwin.

Titimon ang beteranong coach sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers at nalalapit ding FIBA OQT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?