27

Feb 28, 2020 @ 20:10
By

Taas-singil ng Meralco sasalubong sa Marso

Asahan na umanong tataas simula Marso ang electric bill dahil sa mataas na konsumo sa kuryente sa tag-init.

Konsumo pa lang daw ito at hindi pa kasama ang paggalaw sa presyo kaya asahan umano ang impact nito.

Bunsod nito, naglabas ng tipid tips ang Meralco para rito.

Una na rito ang pagtanggal ng plug ng mga appliances na hindi naman ginagamit.

Ipako lang sa 25°C ang aircon para mas matipid ang konsumo.

Huwag ding punuin ang refrigerator para maayos ang sirkulasyon at huwag daw bumili ng mga energy saving device dahil hindi ito epektibo o gumagana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?