57

Dec 8, 2017 @ 21:09
By

Taas-singil ng Meralco, litmus test kay Devanadera – Zarate

Hinamon ni Bayan Muna Partylist Rep.Carlos Isagani Zarate si bagong Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera na manindigan sa consumers laban sa taas-singil sa kuryente.

Ayon kay Zarate, magsisilbing litmus test kay Devanadera ang Court of Appeals ruling na pumapayag sa P4-5.50/kWh power rate hike ng Meralco.

Pinaghahain ng kongresista ng motion for reconsideration ang ERC chair para labanan ang mga aniya’y mga oligarch na sakim sa kita.

“This is a litmus test for Chair Devenadera: stay on the consumers’ side or give in to the whims of the profit-hungry power oligarchs,” pahayag ng mambabatas.

Sabi ni Zarate, ang napipintong taas-singil sa kuryente ay teribleng pasanin ng consumers na mas mabigat pa sa power rate hike noong 2013 nang mag-shutdown ang Malampaya.

Kung madadagdag pa aniya ito sa planong excise tax sa langis at coal ay hindi na talaga kakayanin ng publiko.

Nanawagan din ang mambabatas sa consumers na lumahok sa mga kilos-protesta para labanan ang hakbang na ito ng Meralco at ang hindi makatuwirang desisyon ng CA. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?