121

By

Taas-sahod ng mga gov’t worker aprub sa House panel

Lusot na sa Appropriations Committee ang panukalang Salary Standardization Law 5 na magdaragdag sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno partikular na ang mga guro.

Ayon kay Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, inaasahang matatalakay ito sa plenary session ngayong Lunes ng hapon para maipadala na kay Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-Pasko at masertipikahan bilang “urgent”.

Kapag ang isang panukala ay nasertipikahan bilang “urgent”, hindi na kailangan ang ikalawa at ikatlong pagbasa bago ito maipasa.

Sa kabila nito, hindi naman natuwa rito si ACT Teachers Rep. France Castro dahil hindi aniya sapat ang inaprubahang panukala ng komite.

Aniya, masyadong barat ang naging proposal dito ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Kamara.

“’Yung salary grade 1 which is now kasi P11,000, pagdating ng 2023 magiging P13,000 na sobrang liit. In-appeal na namin ito nung last time na salary,” paliwanag ni Castro.

Depensa naman ni Ungab, na nakabase sa naging pag-aaral ng DBM ang naturang panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?