31

Oct 10, 2018 @ 15:11
By

Taas ranggo, suweldo sa Comelec, lusot na sa komite sa Kamara

Inaprubahan ng House committee on suffrage and electoral reforms ang panukala na nagtataas ng ranggo at salary grade ng mga kawani ng Commission on Elections (Comelec).

Consolidated version ito ng mga panukalang inihain nina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, dating Speaker Sonny Belmonte at Senior Citizens party-list Rep. Francisco Datol.

Base dito, ang may ranggong election officer 1 ang may pinakamalaking itataas ang sahod at ranggo.

Mula sa salary grade 12 ng mga ito na may katumbas na sweldong mahigit P22,000 ay aakyat ito sa salary grade 24 na ang sahod na ay mahigit 73,000 pesos kada buwan.

Ang assistant election specialist naman ay aangat sa salary grade 21.

Ang provincial election supervisor na nasa salary grade 23 ngayon ay aakyat sa posisyong director 2.

Para naman sa ibang posisyon sa Comelec, binibigyan ng awtorisasyon ang Comelec en banc na i-re-classify at upgrade ang mga ito.

Isinulong ang taas ranggo at sweldo para sa mga kawani ng Comelec bilang tugon sa panawagan ng mga ito at para maiiwas sila sa tukso ng katiwalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?