90
gasolina-petrolyo-krudo
Jan 1, 2018 @ 16:19
By

Taas-presyo sa gasolina, ’di pa epektibo sa Enero 1 – Palasyo

Hindi pa dapat magpatupad ng pagtaas sa presyo ng gasolina ngayong January 1, 2018 bilang epekto ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).

Sinabi kahapon ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na ipinaalala sa kanya ni Finance Secretary Sonny Dominguez na hindi pa dapat magpatupad ng oil price hike sa unang araw ng 2018 dahil mayroon pang stocks noong 2017.

Ilang araw pa aniya bago maubos ang supply noong 2017 na ang buwis ay binayaran sa port of importation kayat dapat mag-ingat ang publiko sa mga nagsasamantala.

“The increase is not expected to take effect immediately on January 1 as it takes a few days for the 2017 old stock to be used up this week because the excise is not levied as a port of importation or refinery,” ani Andanar.

Maglalabas ng abiso ang Malacañang kung hindi pa naglabas ng press release ang Department of Finance para maliwanagan ang publiko at pati na ang mga oil players at mga gasolinahan.

“Bayad na iyong excise tax, so bayad na yung tax. So therefore, iyong stocks na iyon dapat hindi kasama sa mai-increasan ng presyo. Kasi parang niloloko lang po tayo. Napakaimposible namang maubos agad yung stocks ng January 1,” dagdag pa ni Andanar.

Ang produktong petrolyo ang isa sa mga produktong aasahang tataas ang presyo dahil sa epekto ng TRAIN. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?